Pinapanatili ngayon ni Pangulong Gloria Arroyo si AFP chief of staff Lt. Gen. Delfin Bangit sa kanyang puwesto sa kabila ng pagkaka-bypass sa Commission on Appointments (CA).
Inianunsyo ngayon ni Executive Sec. Leandro Mendoza, na inaprubahan na ng Pangulo ang rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) na payagan ang 302 senior officers kasama na rito si Bangit na manatili sa kanilang posisyon.
Sinabi ni Mendoza na layon nitong maiwasan ang demoralisasyon sa hanay ng AFP Officer Corps at mapanatili ang integridad ng command structure sa loob ng militar.
Ayon kay Mendoza, importante ang nasabing desisyon ng Pangulo na siya ring commander-in-chief upang hindi maapektuhan ang public service at hindi malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.
“Failure to act decisively on the matter could have led to serious demoralization in the AFP Officer Corps, and undermine the integrity of the military’s command structure,” ani Mendoza.
Naunang inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile noong Biyernes na dapat na agad na mag-alsa balutan si Bangit sa puwesto matapos na magsara na ang 14th Congress, bagay na kinontra ng ilan pang AFP officers.

No comments:
Post a Comment